Linggo, Setyembre 11, 2022

PAGBATI AT PAPURI KAY ALEX EALA MATAPOS MAGWAGI ITO SA US OPEN JUNIORS FINALS. IPINAABOT NI SPEAKER ROMUALDEZ

Ipinaabot ni House Speaker Martin Romualdez ang kanyang pag-bati at papuri kay Alex Eala matapos mag wagi sa US Open Juniors Finals.


Ani Romualdez, ipinakita ni Eala sa mundo kung ano ang kayang makamit ng determinasyon at pagpupursigi ng Filipino athlete.


Dagdag pa ng Leyte solon na proud ang buong Pilipinas at ipinagpapsalamat ng buong bansa ang ipinakita nitong husay at galing sa global stage.


Umukit ng kasaysayan si Eala bilang unang Pilipina na nananalo ng grand slam singles title sa US Open.


“Congratulations, Alex Eala, for showing us the way to greatness. The Filipino nation is truly proud of you, and we are forever grateful for your success on the global stage. Mabuhay ang Pilipinas!” saad ni Romualdez.


##

ThinkExist.com Quotes