NEWSBARBERS TRUST FUND (NTF)
NEWSBARBERS TRUST FUND (NTF)
I. PRIMER
Nilikha ang Newsbarbers Trust Fund upang himukin ang bawat isa na maging masinop sa kanilang kita sa pamamagitan ng pagtitipid at pag-iimpok. Ang naipon na pera sa Trust Fund ay magsisilbing savings ng buong grupo at pwedeng gamitin sa mga importanteng pagkakagastusan.
Ang pag-utang, pagbabayad at iba pang gamit ng Trust Fund ay gagabayan ng guidelines na mahigpit na ipatutupad. Para sa transparency at mabuting pangangasiwa, ang Trust Fund ay idedeposito sa bangko sa ilalim ng joint account ng isang kinatawan ng mga barbero at isa mula sa kumpanya. May counterpart amount rin ang kumpanya sa pagbubukas ng joint account.
Mawi-widrow lamang ang pera kung may pirma ang dalawang kinatawan.
II. GUIDELINES
Mandatory ang pagiging kasapi sa Newsbarbers Trust Fund (NTF) . Bukas ang kasapian sa lahat ng manggagawa ng Newsbarbers Co.
Minimum na P20 kada barbero at manikurista ang hulog araw-araw. Sa kahera at utility ay minimum na P10. Ito ay awtomatikong kakaltasin sa buwanang sahod ng bawat isa.
Ang kasapi ng NTF na nakapaghulog na ng 50 beses o 50 araw ay kwalipikadong mag-apply ng loan.
Sa mga emergency cases lamang pwedeng umutang mula sa Trust Fund, tulad ng: panganganak, pambayad sa ospital at tuition, aksidente, kamatayan sa pamilya atbp. Hindi “emergency” ang mga komon na sakit tulad ng lagnat o sipon at pagbili ng appliance o personal na gamit.
Ang inutang na salapi ay babayaran kada lingguhang suweldo. Ito ay awtomatikong kakaltasin mula sa sahod. May interes ito na 1.5 percent (1.5%). Hal.: Sa halagang P5,000 ay P5,075 ang balik. Ang bayad-hulog kada lingguhang suweldo ay P250.
Sa mga staff na buwanan ang suweldo, ang kaltas ay kada kinsenas o 15 days. Sa minimum na P5,000 na utang, ang kaltas kada suweldo ay P300.
5.1 Ang uutang na miyembro ay kailangang kumuha ng co-maker na mag-gagarantiya na ito ay mababayaran ayon sa nakapagkasunduan. Sakaling pumalya ang miyembro, ang co-maker ang sasalo sa utang.
Ang miyembro ng NTF na may kasalukuyang binabayaran na utang ay pwedeng umutang ulit pagkatapos ng dalawang linggo kung may emergency na naman. Ngunit ang halaga ng pwedeng utangin ay 50% lamang o kalahati ng kanyang naunang inutang.
Ang mga miyembro ng NTF ay pwedeng makakuha ng dividend o share mula sa Trust Fund sa pagtatapos ng bawat fiscal year. Ito ay dedeterminahin ng Newsbarbers Trust Fund Council (NTFC).
III. TRUST FUND COUNCIL
Ang Newsbarbers Trust Fund Council (NTFC) ang siyang magiging punong tagapangasiwa at tagapag-ingat ng Trust Fund. Ito ay bubuuin ng: 2 mula sa kasapian at 2 mula sa Newsbarbers Co.
Bukod dito, awtomatikong itatalaga ang kahera bilang ingat-yaman (treasurer) at sekretarya ng NTFC.
Gagampanan ng Council ang mga sumusunod na tungkulin:
Ipatupad ang guidelines at siguraduhin ang hulog araw-araw ng bawat miyembro.
Suriin, aprubahan o tanggihan ang loan application ng miyembro.
Siguraduhin ang regular na pagbabayad ng utang.
Pangalagaan ang kalusugan ng Trust Fund.
Magsuspendi ng mga delinkwenteng miyembro at magpataw ng penalty.
Aprubahan ang iba pang paggagamitan ng Trust Fund tulad ng investment sa hinaharap.
I-determina ang timing at halaga ng pagbibigay ng dividend o share.
Mag-akda ng mga kaukulang susog (amendment) o karagdagang guidelines ukol sa NTF.
Aksyunan at punan ang resignation sa NTF at sa council.
Magsagawa ng konsultasyon kada ika-anim na buwan upang i-assess ang kalagayan ng Trust Fund at magbigay ng ulat o financial report sa buong kasapian kada may pulong ang shop at sa tuwing pagtatapos ng taon.
NEWSBARBERS TRUST FUND LOAN FORM
Name: _____________________________________ Shop __________________
Amount of loan: ________________ Purpose: ___________________________
Date Applied: __________________ Co-Maker: _________________________
Mode of payment: ___________________________________
Approved by: ______________________ _________________________
For the MEMBERS For Newsbarbers Co.
/newsbarbers’ copy
_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ __ _ _ CUT & PHOTOCOPY_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ __ _

Mode of payment: ______________________________

/member’s copy

0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home