Hindi demonyo ang ina ko -- Mikey
By: Ryan Ponce Pacpaco Marlon Purificacion at Jerry Tan
“MABAIT ang aking ina at hindi isang demonyo!!!”
Ito ang naging reaksiyon ni Presidential son at Pampanga Rep. Juan Miguel “Mikey” Arroyo sa umano’y pahayag ni Commission on Higher Education (CHED) chairman Romulo Neri na demonyo ang kanyang ina na isiniwalat naman ni whistle-blower Rodolfo Noel “Jun” Lozada.
“She’s not an evil person. She’s a good person. I love my mother. She’s not an evil person. As a matter of fact, she’s a good person,” anang kongresista.
Inererespeto naman nito ang sinasabing opinyon ni Neri sa kanyang ina na hindi naman kumakatawan sa pananaw ng karamihan ng mga tao.
“If he (Neri) indeed said, that’s his opinion. You can’t begrudge him for that. You can’t control other people’s emotions,” anang kongresista. “But what I can tell you is that their opinion is not shared by everybody.”
Sinabi ng Pampanga solon na hindi niya mapipilit ang mga tao na mahalin ang kanyang ina lalo’t hindi rin naman krimen ang magalit dito.
“If there are people who don’t like my mother as President, then I can’t help that. We can’t control how they feel. And assuming they don’t like my mother, it’s not a crime. It’s not a crime not to like my mother,” ani Rep. Arroyo.
“She is evil!
Ganito umano ang paglalarawan na isinagawa ni dating NEDA director Romulo Neri kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nang makipagpulong ito kina Senador Panfilo Lacson, Jamby Madrigal at ‘star witness’ Rodolfo Noel ‘Jun’ Lozada.
Ang paglalarawang ito ni Neri ay inihayag mismo ni Lozada sa pagpapatuloy na pagdinig ng Senado kahapon patungkol sa kontrobersiyal na $329 million ZTE-NBN broadband deal.
Gayunman, agad itong kinontra ni Senador Juan Ponce Enrile sa pagsasabing hindi maaaring pagbatayan ang testimonya ni Lozada dahil unang una’y ‘hearsay’ lamang ito at hindi mismo sa bibig ni Neri nanggaling ang naturang kuwento lalo’t paulit-ulit na tumatangging dumalo sa Senate hearing ang kasalukuyang chairman ng Commission on Higher Education.
Kinuwestiyon din Enrile ang sinabi ni Neri na humihingi ito ng ‘patriotic money’ sakaling bumaligtad sa kasalukuyang pamahalaan. Ayon kay Enrile, nagkakaroon ng kulay sa ganito, lalo’t nakahanda si Senador Jamby Madrigal na mag-alok ng ganitong uri ng tulong sa isang testigong katulad nina Neri at Lozada.
Bago kasi tukuyin ni Lozada ang tungkol sa pinag-usapan nila nina Neri, Madrigal at Senador Panfilo Lacson noong Disyembre 7 ng nakalipas na taon, nag-alala ang dating NEDA chief kung ano ang magiging buhay nito sakaling tuluyan nang tumestigo sa Senado.
Napilitan din si Lozada na ikuwento kung ano ang kanilang napag-usapan nina Madrigal, Lacson at Neri sa dinner sa Duets Bistro sa AIM residence-hotel sa Legaspi Village, Makati City.
Ilan sa tinukoy ni Lozada na pinangalanan umano ni Neri ay sina Enrique Razon ng International Container Terminal Service Inc., Tomas ‘Tummy’ Alcantara, dating managing head ng Board of Investments; at business tycoon Lucio Tan.
Sa umpisa pa lang ng pagdinig sa Senado kahapon, isinoli na ni Lozada ang limang bundle na tig-P500 na ipinabigay umano ni Undersecretary Manny Gaite sa kanya bilang panggastos sa ginawang ‘pagtatago’ sa Hong Kong.
JAMBY SINISI
Sinisi naman ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (ASG) at Police Security, Protection Office (PSPO) si Sen. Jamby Madrigal sa hindi pagdalo ng mga ito sa imbestigasyon sa Senado.
Sa liham na pinadala ng mga ito kay Atty. Felisberto Verano, nakasaad na hindi ‘in aid of legislation’ kundi ‘in aid of prosecution’ ang isinasagawang imbestigasyon ng Senado ukol sa kontrobersyal na ZTE project.
Ayon sa liham, mas makakabuti na hindi na lamang dadalo ang mga kapulisan na naimbitahan sa senado kung dadalo rin lamang si Madrigal na nagsampa sa kanila ng kasong obstruction of Justice.
Iginiit din ng abogado na nakahanda na sanang dumalo ang kanyang mga kliyente na si Aviation Security Group (ASG) Chief Supt. Atelano Morada, Supt. Paul Mascarinas, Police Security Protection Office (PSPO) Chief Supt.Romeo Hilomen, maging si Miaa Chief Security Retired Gen. Angel Atutubo, retired army ay personel ng ASG na si Rodolfo “Roger” Valeroso at apat na iba pang secutity ng Naia international airport, subalit naunsyame ito dahil sa pagdalo ni Madrigal.
DEPENSA NI ATUTUBO
Mariin ding pinabulaanan kahapon ng aviation security personnel na naka-assign sa rampa nang dumating si Rodolfo “Jun” Lozada na kasama nito si Manila International Airport Authority (MIAA) assistant general manager for security and emergency services Ret. Gen. Angel Atutubo na sumakay sa sasak-yan sa kanyang pag-alis sa airport.
Kasama ang kanyang supervisor na si Jefry Rivera, binigyang-linaw ni Windy Zacarias ng Philippine Aviation Security Services Corporation (PASSCOR) na magkahiwalay na kotse ang sinakyan ni Lozada at Atutubo at hindi rin sila sabay-sabay na umalis at hindi rin iisang direksyon ang kanilang tinugo.
Ayon kay Zacarias, habang nagsasagawa ng kanyang tungkulin ay nakita niyang bumaba ng elevator si Lozada kasama si Atutubo at AGM for operations Engr. Bing Lina kasama si Cpl. Ronilo Ramilla na miyembro ng airport police department at aide de camp ni Atutubo.
Mula sa elevator ay sinundo umano si Lozada ng kotse at ito ay sumakay sa likuran nang mag-isa, bago tumuloy ang kotse sa Gate 2.
Matapos nito ay nagkanya-kanya na umano ng sakay sa kotse sina Atutubo at Lina bago naman tumungo sa hiwalay na direksyon . Kaugnay nito ay binigyang-diin ni Atutubo na pinaiiral ng MIAA management ang “transparency” sa isinasagawang imbestigasyon sa NAIA.

0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home