Martes, Marso 28, 2017

Paano Maging Batas Ang Isang Panukala

PREPARASYON NG PANUKALA

Ang Miyembro o ang Bill Drafting Division ng Reference and Research Bureau ay maghahanda at magsasagawa ng panukala base sa pagpapatulong ng Miyembro.

FIRST READING

  1. Ang panukala ay ihahain o i-file sa Bills and Index Service at ito ay nonumerohan at i-reproduce. (womb and thomb)

  1. Matapos ang tatlong araw sa paghahain nito, ito ay isasama sa Order of Business para sa First Reading nito.

  1. Sa first Reading, babasahin ng Secretary General ang numero, title ng panukala at may akda. Iri-refer ito ng Speaker sa angkop na Committee/s.

AKSIYON O KONSIDERASYON NG COMMITTEE

  1. Ang Committee kung saan nai-refer ang panukala ay magsasagawa na ngayon ng pag-i-evaluate nito upang malaman kung may pangangailangan bang magsagawa ng mga public hearing.

Kung madetermina ng Committee na may pangangailangan na mag-conduct ng mga public hearing, ii-schedule na nito ang araw at oras at mag-i-issue na ito ng mga public hearing notice at mag-i-imbita na ito ng mga resource persons galing sa mga public at private sector, sa academe at sa mga eksperto hinggil sa proposal.

Kung makita ng Committee na wala nang pangangailangan ng public hearing, agad-agad ii-schedule na ang Committee discussion/s.

  1. Base sa resulta ng mga public hearing o sa mga Committee discussion, ang Committee ay maaaring mag-introduce ng mga amiyenda o dili kaya ay i-consolidate ang iba pang mga panukala na may kahalintulad na subject matter, o dili kaya ay ipanukala nila na magsagawa ng isang substitute bill. Pagkatapos nito, gagawa na sila ng naaangkop na committee report.

  1. Aaprubahan ng mga miyembro ng Committee ang inihanda na Committee Report at formal na i-transmit ito sa Plenary Affairs Bureau.

SECOND READING

  1. I-rehistro na naman ang Committee Report sa Bills and Index Service at bibigyan na naman ito ng number at ito ay isasama na kaagad sa Order of Business at i-refer sa Committee on Rules.

  1. Ii-Schedule na naman ito ng Committee on Rules upang talakayin sa Second Reading.

  1. Sa Second Reading, babasahin ng Secretary General ang number, title at text ng panukala at ang mga sumusunod ay ang mga mangyayari:

    1. Period of Sponsorship and Debate
    2. Period of Amendments
    3. Voting na maaaring mangyari sa pamamagitan ng:
      1. viva voce
      2. count by tellers
      3. division of the House; or
      4. nominal voting

THIRD READING

  1. Ang mga amiyenda, kung mayroon man, ay ii-engross sa draft bill at ang mga printed copy ng bill ay ire-reproduce para sa Third Reading.

  1. Ang engrossed bill (o yaong tinatawag namin na third reading copy) ay isasama sa Calendar of Bills for Third Reading at ang mga kopya nito ay idi-distribute sa lahat ng mga Miyembro ng Kamara, tatlong araw bago mangyari ang Third Reading Action.

  1. Sa Third Reading, ang babasahin ng Secretary General ay ang numero at title lamang ng panukala.

  1. Isang roll call o nominal voting ay tatawagin at ang Miyembro, kung naisin man nito, ay bibigyan ng tatlong minuto upang i-explain niya ang kanyang boto. Wala nang amendment ang tatanggapin dito sa stage na ito.

      1. Ang panukala ay aprubahan sa pamamagitan ng affirmative vote ng majority ng mga Miyembro na present.
      2. Kung ang panukala ay hindi inaprubahan, ito i-transmit na kaagad sa Achives.

TRANSMITTAL NG APPROVED BILL SA SENATE

Ang approved bill ay ipapadala na sa Senado para sa concurrence nito.

AKSIYON NG SENADO SA APRUBADONG PANUKALA NG HOUSE

Ang panukala ay dadaan sa kahalintulad na legislative process din doon sa Senado.

CONFERENCE COMMITTEE

  1. Magko-constitute na ng isang Conference Committee (o Bicameral Conference) na bubuohin ng mga Miyembro ng bawat House of Congress upang i-settle, i-reconcile o i-tresh out ang mga diperensiya o mga disagreement sa anumang mga probisyon ng panukala.

  1. Ang mga conferees ay hindi lamang limitado sa pag-reconcile ng mga differences sa loob ng panukala ngunit maaari din silang mag-introduce ng mga provision na germane o may kaugnayan sa paksa o subject matter o dili kaya ay i-report out nila ang isang panibagong panukala hinggil sa subject nito.

  1. Ihahanda na nila ang Conference Committee Report na lalagdaan ng lahat na mga conferees at ng Chairman.

  1. Ang Conference Committee Report ay isusumite para sa consideration/approval ng both Houses. Hindi na puwedeng mag-amiyenda dito.

TRANSMITTAL NG BILL SA PRESIDENT

Ang mga kopya na nilagdaan ng Senate President at ng Speaker of the House of Representatives na certified naman ng Secretary of the Senate at ng Secretary General ng House ay ipapadala na sa Office of the President para sa Presidential action nito.

PRESIDENTIAL ACTION HINGGIL SA BILL

  1. Kung ang panukala ay inaprubahan ng Presidente, ito aasayinan ng numero, isang RA number at i-transmit sa House kung saan ito ay nag-originate.

  1. Ngunit kung ang panukala ay na-disapprove o venito, ito, kasama ang message ng Pangulo na nagsasabi ng rason kung bakit ito na-veto, ay i-transmit sa House kung saan ito nag-originate.

ACTION SA APPROVED BILL

Ang bill ay i-reproduce at ang mga kopya nito ay ipapadala sa Official Gazette Office para sa paglathala at pag-distribute nito sa mga implementing agencies. Ito ay isasama na rin sa annual compilation ng Acts and Resolutions.

ACTION SA VETOED BILL

Ang veto message ay isasama na ngayon sa Order of Business. Kung ang Kongreso ay magpasya na i-override ang veto, ang Kamara at ang Senado ay magsasagawa na kanya-kanyang pag-reconsider sa panukala o sa vetoed items ng panukala. Kung ang bill o ang vetoed items ay naipasa sa pamamagitan ng two-thirds na boto ng mga miyembro ng bawat House, ang bill o ang vetoed items ay magiging isang batas.



Note: Ang isang joint resolution na may lakas o bisa ng isang batas ay dadaan din sa kaparehong proseso kagaya ng sa House Bill.
ThinkExist.com Quotes