Inaprubahan na ng Kamara ang free wifi bill
Ang panukalang inaasahang tutugon sa problema ng bansa hinggil sa
interconnectivity sa pamamagitan ng free wireless access points sa lahat ng
major public places ay ganap nang inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara
de Representantes.
Ganun din ang mga public libraries, parks and
plazas, barangay reading centers, public hospitals, at rural health units,
public transportation terminals kagaya ng airports, seaports, MRT at LRT
stations at mga public bus terminals
Ang HB05225 o ang proposed Free Public Wifi Act ay nagmamando sa
Pamahalaan, kasama ang mga local government units (LGUs) at government-owned
and –controlled corporations (GOCCs) na mag-i-instalar ng broadband hotspots sa
mga public areas na magpo-provide ng isang matatag at reliable wireless
internet connection sa lahat nang oras, para ma-encourage ang discourse at
trade sa mga internet-related goods, services at content.
Ang mga lugar na lalagyan ng broadband hotspots ay ang lahat na mga
building ng national government offices, kasama na ang mga regional at
satellite offices nito, provincial capitols , at city at municipal halls,
public primary and secondary school, at mga gusali ng state universities and
colleges (SUCs).
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home