Lunes, Abril 03, 2017

Walang puwang ang mga gamit nang cooking oil para sa human comsumption

Hinarap ngayon ni AKO Bicol partylist Rep Rodel Batocabe ang banta ng pagsasagawa ng recycling ng mga gamit nang cooking oil para sa human concumption.

Sa HB00814 o ang Act prohibiting the selling and retailing of used cooking oil for human consumption, ang sinumang indibidwal or entity ay paparusahan kung mahuli ito sa unlawful trade o paggamit ng gamit na na cooking oil para sa human consumption.

Sa kasalukuyan, ang panukala ay nasa house committee on Health upang talakayin.

Sinabi ni Batocabe na ang Carcinogen ay nakukuha sa cooking oil at sa iba pang mga dangerous toxins na magreresulta ng hypertension, damage sa atay, at increase sa risk na mag-acquire ng disease.
ThinkExist.com Quotes