Lunes, Setyembre 12, 2022

EO PARA SA MORATORIUM NG PAGBABAYAD UTANG NG ARB BENEFICIARY, LALAGDAAN NA

Executive Order on moratorium for agrarian reform debt.. lalagdaan na ni pangulong Ferdinand Marcos Jr ayon sa house leader.


Nakatakdang lagdaan ni pangulong Ferdinand Marcos Jr ang executive order para sa moratorium ng pagbabayad utang ng agrarian reform beneficiaries.


Ito ay ayon kay house ways and means chair joey salceda.


Ayon kay salceda..maituturing itong  makasayasayan dahil ito ang kaunaunahang EO na pipirmahan ng pangulo para sa mga magsasaka.


Anya senyales din ito sa kongreso sa direksyon ng pangulo gaya ng nabanggit nito sa kanyang SONA na  magpasa ng batas  para icondone ang mga utang ng mga farmer beneficiaries.


Si salceda ang pangunahing may akda ng administration version ng new agrarian emancipation act na naglalayong icondone ang 58 billion  na utang ng tinatayang nasa 654 thousand na mga agrarian reform beneficiaries.


Maalalang inihayag din ni agrarian reform sec. Conrado Estrella na pipirmahan ni pangulong marcos ang eo para sa mga ARBs sa araw ng kanyang kaarawan.

ThinkExist.com Quotes