MODERNISASYON NG NAVY AT MARINE CORP NG AFP, DAPAT MAPAG-TUUNAN NG PANSIN SA PAGPOPONDO
P40 billion na programmed at P5 billion na unprogrammed appropriations ang nakatakdang matanggap ng AFP Modernization Program sa susunod na taon.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel dapat mapagtuunan ng pansin sa modernisasyon ang Philippine Navy at Philippine Marine Corps.
Diin ng kinatawa, bilang isang archipelagic nation, lantad ang Pilipinas mula sa mga bantang panlabas na nagmumula sa karagatan.
Inihalimbawa pa nito ang hamon para sa bansa na bantayan at igiit ang ating sovereign rights sa West Philippine Sea.
Sa ilalim ng AFPMP, palalakasin ang hanay ng Sandatahang Lakas sa pamamagitan ng capacity building procurement projects tulad ng pagbili ng bagong mga kagamitan.
Nitong Disyembre, lumagda ang Dept of National Defense ng P28 billion contract kasama ang isang Korean company para sa pagbili ng dalawang bagong corvette na may anti-ship, antoi-submarine at anti-aircraft mission.
Habang ngayon taon bumili ang Pilipinas sa India at Korea ng shore-based supersonic ramjet missile batteries at 94.4-meter offshore patrol vessels.
##
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home