Ang panukala na iniakda nina Quezon City Rep Jose Christopher Belmonte, Dinagat
Rep Kaka Bag-ao, Deputy Speaker at Marikina City Rep Romero Quimbo, CIBAC
Partylist Rep Sherwin Tugna, Muntinlupa City Rep Rozzano Rufino Biazon, Ifugao
Rep Teddy Baguilat Jr, Cagayan de Oro Rep Maximo Rodriguez Jr, AKBAYAN
Partylist Rep Tom Villarin, Negros Oriental Rep Virgilio Lacson, Bulacan Rep Jose
Antonio Sy-Alvarado, Negros Oriental Rep Manuel Sagarbarria, 1-PACMAN Partylist
Rep Enrico Pineda, Pampanga Reps Juan Pablo Bondoc at Aurelio Gonzales Jr, at Batanes
Rep Henedina Abad, ay naglalayong buwagin na ang National Land Use Committee
(NLUC) na nasa ilalim ng National Economic and Development Authority (NEDA)
Board at ipapalit dito ang NLUPC.
Ilan sa mahahalagang usapin na isinasaad sa panukala ay upang ilatag ang
hangganan ng mga responsibilidad ng mga ahensya ng pamahalaan na may kaugnayan
sa pagpa-plano at implementasyon ng mga patakaran sa pangangalaga ng mga
lupaing isinailalim sa produksyon, settlement at pagpapaunlad ng imprastraktura
at naglalayong itaguyod ang balanseng pag-unlad at tapusin ang pagkasira ng mga
lupain sa bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento