Naniniwala si House Deputy Majority Leader at Iloilo 3rd District Representative Lorenz Defensor, para hindi masayang ang mga bibilhing bakuna, dapat ang gobyerno na ang mag procure sa mga ito.
Pahayag ito ni Defensor, hinggil sa planong pagbili ng pamahalaan ng mga second generation Covid-19 vaccine lalo na ang omicron variant/subvariants para sa susunod na taon.
Nadismaya ang mambabatas kaugnay sa mga nasayang na bakuna dahil marami pa sana ang makinabang dito lalo na ang mga bata.
Ayon kay Defensor ang Pfizer at Moderna Covid-19 vaccine ay ginagamit na sa ibang bansa panturok sa mga bata.
Gayunpaman ang pagbabakuna sa mga bata sa ating bansa ay hindi pa rin mandatory.
Binigyang-diin naman ng mambabatas na ang nasayang na 20 million doses ng Covid-19 vaccines ay nagkakahalaga ng P12-13 billion, at ang nasabing pondo ay maari pa sana magamit para sa mga health care workers at mga health facilities.
Sinabi ng mambabatas na kanilang aalamin kung ano ang dahilan bakit hinayaan ng DOH na mag expire ang mga bakuna.
Sa budget deliberation ng Department of Health (DOH) kahapon, kinumpirma naman ni Health Secretary OIC Maria Rosario Vergeire na nasa 20 million doses ng Covid-19 vaccines ang nag expire.
Sa tala ng DOH as of August 12,2022 nasa mahigit 20 million ang expired kung saan 12.1 million dito ang nasa national warehouse habang ang iba ay nasa regional warehouses.
Inihihirit din ni Defensor sa DOH na madaliin na ang pagbabakuna sa mga bata na may edad apat na taong gulang pababa lalo na at nagsimula na ang face-to-face classes sa bansa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento