Huwebes, Setyembre 15, 2022

KINUMPLETO NA NG KAMARA ANG PAGHIRANG SA MGA CHAIRMAN NG LAHAT NA MGA KOMITE NITO

Nakumpleto na ng Kamara ang pagpuno sa mga chair o tagapangulo ng nasa 80 House Committees.


Ayon kay House Majority Leader Mannix Dalipe, lahat ng 65 standing committee at 15 special committee ay mayroon nang mga chairperson.


Kasunod ito ng pagkakatalaga kina PATROL Party-list Rep. Joege Bustos bilang tagapangulo ng House Committee on Veteran Affairs and Welfare, Agusan del Sur Rep. Alfelito Bascug sa Special Committee on Persons with Disabilities at Davao de Oro Rep. Maria Carmen Zamora sa Special Committee on Strategic Intelligence.


Bunsod nito, handa na aniya ang lahat ng komite na tumalima sa kanilang mandato at simulan ang pagbuo ng iba’t ibang lehislasyon para sa pagpapabuti ng kalagayan ng mga Pilipino.


Dagdag pa ni Dalipe na mahalagang matapos ang pagbuo sa miyembro at chair ng mga komite para mabilis ding maipasa ang priority legislative agenda ng Marcos administration.


“All of our standing committees and special committees are 100 percent filled up and ready to carry out their mandate as provided under the Constitution. I feel relieved that we have finally filled up the organizational gaps. Now we are ready to focus on our primary mandate which is to create legislations that can make life better for our people,” saad ni Dalipe. 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento