Lunes, Setyembre 12, 2022

MGA NAPABILANG SA HIGH-RISK AT VULNERABLE, INIREKOMENDA NG DOH NA MAPANITILI PA RING MAGSUOT NG FACE MASK

Iginiit ng Department of Health o DOH na mapanatili pa rin ang pagsusuot ng face mask ng mga nabibilang sa “vulnerable sector at high-risk settings.”


Ito ang sinabi ni DOH OIC Ma. Rosario Vergeire, sa briefing ng House Committee on Appropriations para sa panukalang 2023 budget ng kagawaran, nang matanong hinggil sa pagpapagaan ng “mask mandate.”


Ayon kay Vergeire, ang naunang posisyon ng DOH ay ituloy ang pagsusuot ng face mask kahit nasa labas.


Pero sa pulong ng Inter-Agency Task Force o IATF, iba’t ibang ebidensya ang ipinakita ng ibang mga sektor.


At bilang kompromiso rito, ani Vergeire, isinulong na gawing opsyonal ang pagsusuot ng face mask sa outdoor areas partikular sa “low-risk individuals at low-risk settings.”


Pero ang ganitong setting o sistema ay hindi uubra para sa vulnerable sector gaya ng mga senior citizen, may comorbidity o sakit, at mga bata.


Tinukoy din ni Vergeire ang pangangailangan pa rin pagsusuot pa rin ng face mask sa mga pampublikong transportasyon at sa mga “crowded” na lugar.


Matatandaan na inirekumenda ng IATF nag awing opsyonal o boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa outdoor o open spaces, at naghihintay na lamang ng Executive Order ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento