Ipinag-utos na ni vice president at education secretary sara duterte ang imbestigasyon sa isyu ng overpriced laptops na binili ng department of education sa halagang 2.4-billion pesos.
Ito ang iniulat ni VP Sara sa pagharap sa budget briefing ng house committee on appropriations sa panukalang budget ng deped sa 2023 na nagkakahalaga ng 710-billion pesos.
Sa pagtatanong ni congresswoman france castro ng ACT Teachers Partylist, sinabi ni VP Sara, nag-request na sila ng fraud audit sa commission on audit at tumugon na ang COA.
Ayon kay VP Sara, kasama sa kanyang ipinag-utos na imbestigahan kung may mga sangkot sa loob ng DepEd sa naturang kontrobersiya.
Matatandaan, iniimbestigahan na ng senate blue ribbon committee ang umanoy overpriced at outdated laptops ng DepEd na nangyari sa termino ni dating education secretary leonor briones.
Sa naunang pahayag ni briones, dinepensa nito na signatory lamang siya at ang kasunduan sa pagbili ng laptops para sa mga guro ay dumaan sa procurement service ng department of budget and management.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento