Isinusulong ni Congressman Patrick Michael Vargas ng 5th District ng Quezon City na gawing centralized o “single beep card” ang store-value payments and transactions para sa public transportation sa Metro Manila.
Sa House Bill 4913 o “Universal Beep Card Bill”, sinabi ni Vargas, layunin nito na magkaroon ng one-card-fits-all system at maiwasan ang inconvenience ng paggamit at pagbabayad ng multiple contactless smart cards.
Matatandaan, ang beep cards ay reloadable contactless smart cards na inilunsad noong 2015 para sa mga commuter na sumasakay sa LRT Line 1, LRT Line 2, MRT Line 3 at ino-operate ng AF Payments Incorporated.
Pero noong 2016, naglunsad muli ng isa pang contactless smart card para sa
programang Bagong Jeep o BEEP program na nagresulta ng kalituhan sa maraming commuters.
Dahil dito, nilinaw ng DOTr papayagan ang mga PUV operators na pumili ng automatic fare collection system sa kundisyon na susunod sa direktiba ng DOTr na magamit ang contactless transactions.
Ayon kay Vargas, kapag nagkaroon ng “universal beep card” makatitipid ang mga commuter at maiiwasan ang kalituhan sa iba-ibang reloadable smart cards.
Sabi ni Vargas, miembro ng House Committee on Metro Manila Development, ang universal beep card ay matagal ng ginagamit sa London, Paris, Hongkong at Seoul na nagresulta at dagdag na bilang ng mga commuter kada araw.
Giit pa ni Vargas, kapag naramdaman ng ating mga pasahero ang convenience, mas mahihikayat ang mga ito na mag-commute at mababawasan ang problema sa trapiko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento