Miyerkules, Setyembre 14, 2022

PANUKALA NA NAGPAPALIBAN SA DISYEMBRE 2022 HALALANG BRGY AT SK, PASADO NA SA IKALAWANG PAGBASA

Sa pamamagitan ng botong viva voce, inaprubahan ngayong Martes sa Kapulungan ng mga Kinatawan sa ikalawang pagbasa ang House Bill 4673, na naglalayong ipagpaliban ang Disyembre 2022 Halalang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK). 


Layon ng panukala na pahintulutan ang Commission on Elections (COMELEC) at mga lokal na pamahalaan na mas makapaghanda sa halalan, kabilang na ang pamahalaang nasyunal na maiayos ang pagwawasto sa mga honoraria ng mga poll workers. 


Kapag naisabatas, ang halalang nakatakda ngayong ika-5 ng Disyembre ngayong taon ay ililipat sa unang Lunes ng Disyembre 2023, at kada ikatlong taon matapos nito. 


Sa usaping ito, ang mga nakaupong mga opisyal ng barangay at SK ay mananatili sa kanilang tanggapan, maliban na lamang kapag sila ay tinanggal o sinuspindi. 


Si Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairperson Rep. Maximo Dalog Jr. (Lone District, Mountain Province) ang siyang mag-iisponsor ng panukala sa panahon ng debate sa plenaryo. 


Ang hybrid na sesyon ay pinangunahan ni Deputy Speaker Ralph Recto.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento