Humihingi ang Department of Transportation ng tulong sa Kongreso para mapondohan ang “active transport project” sa susunod na taon.
Sa briefing ng House Committee on Transportation, tinanong ni Gabriela PL Rep. Arlene Brosas kung magkano ang pondo para proyekto lalo’t maraming nagbibisikleta sa ngayon.
Kinumpirma ni DOTr Usec. Steve Pastor na humiling sila sa Department of Budget and Management o DBM ng P2.1 billion.
Gayunman, hindi ito naisama sa 2023 National Expenditure Program o NEP.
Kaya naman dulog at hiling ng DOTr sa mga mambabatas, kung maaari ay magkaroon ng “congressional amendment” para mapondohan at magtuloy-tuloy ang ang active transport.
Para sa taong 2022, nitong Setyembre ay natanggap ng DOTr ang nasa P2 billion ang pondo na gagamitin para sa expansion ng bike lanes sa karagdagang 450 kilometers iba’t ibang rehiyon sa bansa.
Dito rin kukunin ang budget para sa panimula ng “bike sharing program,” at para mapagbuti ang pedestrian lanes at sidewalks na ikokonekta sa bus stops na mayroon modernong disenyo at solar panels.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento