Miyerkules, Setyembre 14, 2022

WALANG ALOKASYONG PONDO PARA SA PROGRAMANG MODERNISASYON NG PUBLIC UTILITY VEHICLES

Hindi kasama sa 2023 proposed budget ng Department of Transportation (DOTr) o walang alokasyon para sa public utility vehicle (PUV) modernization program.


Ito ang naging tugon ni DOTr Undersecretary Mark Steven Pastor sa isinagawang interpelasyon ni Kabataan Partylist Representative 

Raoul Manuel kung mayruong alokasyon ang DOTr na P4.2 billion para sa PUV moderniation program para sa fiscal year 2023.


Sinabi ni Pastor nasa P778 million ang pondo na kanilang iminungkahi para sa PUV modernization subalit hindi ito isinama ng Department of Budget and Management. 


Ipinunto naman ni Manuel binabalak ng DOTr na taasan ang 5,300 modern PUVs ng hanggang 50% na bibiyahe sa mga kalye sa susunod na taon.

Dahil dito, hiling ni Rep. Manuel sa Kongreso na maglaan ng pondo pata sa PUV modernization program.


Ayon sa mambabatas, maraming jeepney drivers na kahit gusto pa pumasada ay tumigil na kasi gamit ng mga ito ang mga traditional jeepneys.

Ang PUV program ay nagbibigay ng P160,000 equity subsidy para sa bawat driver na naglalayong lumipat sa isang modernong PUV unit, bukod pa sa halaga ng lumang PUV.


Ang isang modernong yunit ng PUV, gayunpaman, ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa P1.2 milyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento