Martes, Oktubre 18, 2022

ARESTUHIN AGAD ANG MGA NASA LIKOD NG PAGPASLANG KAY PERCY LAPID

Pinuri ni House Speaker Martin Romualdez at ng nga miyembro ng Kamara de Representantes ang Philippine National Police o PNP at Department of Interior and Local Government o DILG matapos sumuko ang umanoy bumaril at nakapatay sa broadcaster na si Percy Lapid.


Sa isang presscon, prinisinta ni DILG Secretary  Benhur Abalos ang gunman na si Joel Estorial matapos umanong matakot at makunsensiya sa pagpatay.


Sinabi ni Romualdez na umaasa sila sa Kamara na ang pagsuko ng gunman ang magbibigay daan para sa ikaka-aresto ng iba pang mga suspect at utak sa pagpatay kay Lapid.


Muling inulit ng speaker na mahalaga ang papel na ginagampanan ng media at tungkulin ng gobyerno na proteksiyunan ang kanilang seguridad.


Matatandaang matapos napaslang si Lapid, nakalikom ang Kamara ng 5-milyon peso bilang reward sa makapagbibigay ng impormasyon o makapagtuturo sa mga nasa likod ng pagpatay kay Lapid.


Ang 5-milyon peso reward ay mula sa ambag ng ibat-ibang Kongresista na hangad din na maresolba agad ang kaso ng pagpatay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento