Martes, Oktubre 04, 2022

CEREMONIAL SIGNING NG SIM CARD REGISTRATION AT BARANGAY AT SK ELECTION POSTPONEMENT BILLS, PINANGUNAHAN NINA SPEAKER ROMUALDEZ AT SENATE PRESIDENT ZUBIRI

Pinangunahan nina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel "Migz" Zubiri ang ceremonial signing ng enrolled bills ng SIM Registration Act at Barangay and Sangguniang Kabataan Elections Postponement Act.


Ginanap ito sa Manila Golf Club, sa Makati City ngayong umaga kung saan dumalo din sina House Majority Leader Manuel Jose "Mannix" Dalipe, at sina Reprsentatives Toby Tiangco, Marjorie Ann Teodoro, at Juliet Marie Ferrer.


Present din sina Senate Majority Leader Joel Villanueva, Deputy Majority Leader JV Ejercito, at sina Senators Imee Marcos at Grace Poe. 


matapos nilang lagdaan ay ibinigay na nila ang enrolled bills kay  Presidential Legislative Liaison Office Secretary Mark Llandro Mendoza na syang magsusumite nito kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. para kanyang lagdaan at ganap ng maging batas.


Pinasalamatan naman ni Romualdez ang mga kasamahang mambabatas sa mataas at mababang kapulungan kaugnay sa matagumpay na pagpasa sa naturang mga panukala.


umaasa si Romualdez na mauulit muli ang ganitong mga kaganapan na nagpapakita ng maigting na pagtutulungan ng senado at kamara sa  pagpasa ng mahalagang mga panukalang batas.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento