Martes, Oktubre 04, 2022

ONE-STOP SHOP PARA SA MGA PAGLILINGKOD NG PAMAHALAAN, INILUNSAD NG KAPULUNGAN

Nagsagawa ngayong Martes ang Kapulungan ng mga Kinatawan ng on-site membership enrollment program para sa Government Service Insurance System (GSIS) Unified Multi-purpose ID (UMID) e-card, at Pag-IBIG Loyalty Card Plus, bilang bahagi ng pagdiriwang ng HRep Month. Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang: "One House, One Voice." 


Ang pagpapatala sa GSIS UMID E-card ay bukas sa lahat ng Miyembro ng Kongreso, opisyal at mga empleyado ng Secretariat, gayundin ang mga congressional staff, mula ika-3 hanggang ika-6 Oktubre 2022. 


Ayon kay Human Resource Management Service (HRMS) Director Anabelle Hufanda, nagpasya ang mga namamahala na maglagay ng one-stop shop para sa serbisyo ng ilang ahensya ng pamahalaan, para makapagbigay ng mabilis at madaling akses sa pinagsamang datos at mga serbisyong nakabatay sa lokasyon. 


"This is a faster and more convenient way to acquire needed cards from GSIS, Pag-IBIG, civil registry documents, and driver's license," aniya. 


Bukod sa nagpapatuloy na enrollment programs para sa GSIS UMID e-card at Pag-ibig loyalty card plus, ang Kapulungan ay makaka-avail din ng iba pang serbisyo ng gobyerno mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) at Land Transportation Office (LTO). 


"Next week the Philippine Statistics Authority (PSA) can provide interested parties documents such as birth certificate, marriage contract, death certificate, and Certificate of No Marriage (CENOMAR). 


Applications would be received on October 5 and requested documents would be released by October 12," ani Hufanda. 


Samantala, ang LTO mobile services, tulad ng student driver's permit application at driver's renewal ay makukuha sa ika-5 at ika-6 ng Oktubre sa Nograles Hall, South Wing Annex (SWA). 


"We are encouraging everyone, the honorable House Members, congressional staff, House Secretariat officials, and employees to take advantage of these opportunities. 


Too far from the site? Electric vehicles located at the North and South rotunda will chauffeur you everywhere you need to go," ani Hufanda. 


Bukod dito, sinabi niya na simula Lunes, meron nang 95 na empleyado ang naka-avail ng one-stop-shop services ng GSIS at Pag-Ibig Fund.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento