Lunes, Oktubre 03, 2022

OPERASYON NG POGO SA BANSA, DAPAT ITIGIL NA — BARBERS

Naniniwala si House Committe on Dangerous Drugs at Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers na panahon na upang itigil na ang operasyon ng POGO o Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa.


Sa isang panayam, sinabi ni Barbers na hindi naman natupad ang sinabing bilyong bilyong kikitain sana ng bansa sa POGO operations at maraming mga kababayan natin sana ang magkakaroon sabay nito ng trabaho.


Kaliwat kanang kontrobersiya ang kinasangkutan ng POGO, ayon sa kanya, lalo at nauugnay ito sa ibat ibang krimen gaya ng kidnapping, human trafficking at illegal drug trade.


Batay sa ulat, ginagawang front din ng mga Chinese drug syndicate ang POGO para sa kanilang illegal drug trade.


Dagdag pa ni Barbers, ginagamit din ng mga sindikato ang POGO sa kanilang money laundering activities.


Aniya may mga ebidensiya silang nakalap ukol dito kaya 

ongoing ang imbestigasyon rito ng mga otoridad dahilan na tumanggi muna si Barbers na idetalye ito sa media.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento