Lunes, Oktubre 10, 2022

PABUYANG P5-MILYON PARA SA IMPORMASYONG UKOL SA PAGPATAY KAY PERCY MABASA, INALOK NG KAMARA

Nag-alok ng 5-milyong pisong pabuya ang Mababang Kapulungan para sa makapagbibigay ng impormasyon ukol sa responsable sa pagpatay sa mamamahayag na si Percival Mabasa na kilala rin bilang si Percy Lapid.


Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na ang reward o pabuya ay mula sa personal na ambag ng mga miyembro ng Kamara na nagulat at nabahala sa naturang krimen.


Ayon kay Romualdez, ang karasahan ay walang puwang sa isang sibilisadong lipunan, kaya dapat matiyak na mapapanagot sa batas ang utak at nagsagawa ng pagpatay kay Lapid.


Dagdag pa ni Romualdez, nakakapanghilakbot ang patuloy na karahasan laban sa mga mamamahayag na katuwang ng gobyerno sa nation- building.


Diin pa ni Romualdez, ang papel ng mga media ay napakahalaga sa pagtiyak ng transparency sa pamahapaan kaya ang pagbibigay-proteksyon sa kanila ay garantiya ng kalayaan sa pagpapahayag at palalahad ng saloobin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento