Iminungkahi ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers na sumailalim muna sa drug test ang lahat ng actor, actress at iba pang celebrities bago sila payagang sumabak sa alinmang movie, television at iba pang showbiz projects.
Ipinanukala ito ni Barbers, makaraang arestuhin ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang aktor na si Dominic Roco at apat na iba pa sa isang buy-bust operation nitong Sabado ng madaling araw.
Sinabi ni Barbers na mahalagang maging drug-free ang lahat ng mga public figures dahil sila ay iniidolo ng mamamayan lalo na ng mga kabataan.
Batid ni Barbers na halos lahat ng ating mga artista ay malinis sa usapin ng illegal na droga pero meron din na naliligaw ng landas, na gumagamit o minsan nagtutulak pa ng illegal na droga.
ito ang dahilan kaya hinihiling at hinihikayat ni Barbers ang ating movie industry na tumulong sa kampanya laban sa droga sa pamamagitan ng pag-police ng kanilang hanay at pagsailalim sa kanilang mga talents sa drug test bago bigyan ng pelikula at anumang proyekto.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento