Biyernes, Oktubre 14, 2022

SA PAGPAPALIBAN NG BARANGAY AT KB ELECTIONS, PROBLEMA SA PAGTAAS NG PRESYO NG MGA BILIHIN AY HIGIT NANG MATUTUGONAN NGAYON — SALCEDA

Naniniwala si Albay Representative Joey Salceda na higit na ngayong mapagtutuunan ang pagtugon sa mga mahalagang mga bagay katulad ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang pagkakaloob ng trabaho.


Sinabi ito ni Salceda sa harap ng pagpapaliban sa October 2023 ng Barangay at Sangguniang Kabataan o SK elections na unang itinakda sa December ngayong taon.


Ayon kay Salceda, dahil dito ay magkakaroon din ng pagkakatoon na makapaglatag ng pangmatagalang solusyon sa mga structural issues sa Barangay and SK. 


Kaya naman hinihikayat ni Salceda ang mga kasamahang mambabatas na pakinggan ang lahat ng concern ukol sa pamamahala sa Barangay na sIyang pinaka-unique na political institution sa ating bansa.


Bukod dito ay sinabi ni Salceda na magkakaroon din ng sapat na panahon para ayusin ang ilan pang importanteng panukalang batas katulad ng inihain niyang SK Officials compensation and civil service eligibility.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento