“Great job!” ang pagsalarawan ni Speaker Romualdez sa 1st 100 days ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. bilang panimula sa kanyang liderato tungo sa economic recovery ng bansa dahil sa pandemya.
Partikular na binanggit ni Romualdez ang pagbuo ng Malakanyang ng panukalang budget na tutugon na pangangailangan at mga problema ng bansa.
Sa panig anya ng Kamara, sinabi ni Romualdez na mabilis na naipasa ang 2023 General Appropriations Bill na siyang pinakamahalagang legislative agenda ng Marcos administration.
Sa ilalim ng liderato ni Speaker Romualdez, naipasa “on time” ang 5.26-trillion peso proposed national budget na makatutulong para makabangon ang bansa sa epekto ng pandemya.
Pinuri din ni Speaker Romualdez ang mga biyahe ni Pangulong Marcos sa Indonesia, Singapore at Amerika na makatutulong para makahikayat ng kinakailangang foreign investments ang Pilipinas bukod sa lalo pang pagpapatatag ng bilateral at diplomatic relations.
Sa pagtaya, 14.36-billion dollars ang inaasahang investment pledges na nakuha ni Pangulong Marcos nang bumisita sa Indonesia at Singapore at 4-billion dollars naman sa kanyang working visit sa Amerika.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento