Lunes, Abril 03, 2017

Inaprubahan na ng Kamara ang free wifi bill

Ang panukalang inaasahang tutugon sa problema ng bansa hinggil sa interconnectivity sa pamamagitan ng free wireless access points sa lahat ng major public places ay ganap nang inaprubahan na sa ikalawang pagbasa sa Kamara de Representantes.

Ang HB05225 o ang proposed Free Public Wifi Act ay nagmamando sa Pamahalaan, kasama ang mga local government units (LGUs) at government-owned and –controlled corporations (GOCCs) na mag-i-instalar ng broadband hotspots sa mga public areas na magpo-provide ng isang matatag at reliable wireless internet connection sa lahat nang oras, para ma-encourage ang discourse at trade sa mga internet-related goods, services at content.

Ang mga lugar na lalagyan ng broadband hotspots ay ang lahat na mga building ng national government offices, kasama na ang mga regional at satellite offices nito, provincial capitols , at city at municipal halls, public primary and secondary school, at mga gusali ng state universities and colleges (SUCs).

Ganun din ang mga public libraries, parks and plazas, barangay reading centers, public hospitals, at rural health units, public transportation terminals kagaya ng airports, seaports, MRT at LRT stations at mga public bus terminals
ThinkExist.com Quotes