Kamara desididong ipasa ang sin taxes bago ang deliberasyon ng panukalang 2020 national budget
Ipinahayag ni Albay Representative Joey Salceda, Chairman ng House Committee on Ways and Means na target nilang maaprubahan sa susunod na linggo sa ikatlo at huling pagbasa ang HB0 1026 o increasing and restructuring the excise tax rates on alcohol.
Ang paniniyak ni Salceda ay kanyang sinagawa doon sa briefing na ginanap kaninang umaga sa Kamara de Representantes.
Sinabi ng mambabatas na sisikapin din nila na maaprubahan sa plenaryo ang panukalang batas para sa dagdag buwis sa tabako.
Ayon sa kanya, sakaling maging ganap na na batas ang mga ito ay makakalikom umano ang pamahalaan ng kabuuang 32 billion pesos mula sa pinagsamang buwis ng tabako na 15 billion pesos at alcohol na 17 billion pesos.
Hindi naman kuntento ang department of finance sa 32 billion pesos na makukulektang excise tax sa alcohol at tobacco products.
Iginiit din ni Finance Undersecretary Carl Kendrick Chua sa mga solon na hindi sapat ang nasabing halaga para pondohan ang universal health care na nangangailangan ng mahigit animnapung bilyong piso.
Idinagdag pa ni Chua na isikapin nila na maisulong sa Senado ang mataas na tax rates at dagdag pa nito na mahalaga umano ang layunin ng gobyerno sa pagtutulak nila ng mataas na buwis sa mga nasbing produkto.
Binigyang-diin pa ni Chua na may magandang aasahan ang taongbayan mula sa universal health care kung ito ay mapopondohan ng sapat.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home