BADYET NG OVP, MABILIS NA INAPROBAHAN NG KOMITE SA KAMARA
Mabilis na inaprubahan ng House Committee on Appropriations ang panukalang P2.3 billion 2023 budget ng Office of the Vice President.
Sa briefing ng komite, personal na dumalo si Vice President Sara Duterte.
Kaya naman “full force” ang mga lider ng Kamara sa pangunguna nina House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, House Senior Deputy Speaker Gloria Arroyo, Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos at iba pa.
Ang P2.3 billion na panukalang budget ng OVP sa susunod na taon ay 223% na mas mataas kumpara sa pondo ng OVP ngayong 2022.
Nagmosyon si House Minority Leader Marcelino Libanan na i-terminate na ang pagdinig para sa 2023 budget ng OVP, bilang kurtesiya sa bise presidente. Ang interpelasyon ay isasagawa na lamang sa plenaryo.
Wala pang sampung minuto ang itinagal ng briefing para sa budget ng OVP.
Nagpasalamat naman si Duterte sa Kamara, at sa suporta sa mga aktibidad at proyekto ng OVP.
Tiniyak din ni Duterte na bukas ang kanyang tanggapan sa kolaborasyon sa mga mambabatas para sa kani-kanilang distrito o partylist.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home