PAGBILI NG MGA BAKUNA SA PAMAMAGITAN NG PAMBANSANG PAMAHALAAN AT PAGBABAKUNA SA MGA KABATAANG EDAD 6 NA BUWAN HANGGANG 5 TAON, HINILING NG MAMBABATAS.
Upang mas mapaigting ang laban ng bansa sa pandemyang dulot ng COVID-19, ay nanawagan si House Deputy Majority Leader Lorenz Defensor ngayong Martes tutukan lamang ng pambansang pamahalaan ang pagbili na mga bagong henerasyon ng bakuna, upang hindi masayang ang pondo at mga bakuna, kabilang na ang pagpapahintulot na mabakunahan ang mga batang nasa edad na anim na buwan, hanggang limang taon.
Iginiit ni Defensor ang panukala sa idinaos na lingguhang pulong balitaan ng Ugnayan sa Batasan News Majority Forum, kung saan ay binanggit niya na 20,660,354 COVID-19 vaccines, na nagkakahalaga ng P12-bilyon hanggang P13-bilyon ang wala nang bisa mula ika-12 ng Agosto 2022, batay sa datos na inilabas mismo ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH).
Mula ngayon aniya, ay mahigpit na imomonitor ng DOH at ng pambansang pamahalaan sa pamamagitan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang koordinasyon para sa pagbili ng mas maraming bakuna, lalo na ang mga new generation vaccines, upang maiwasan ang pag-aaksaya sa pondo at mga bakuna. “I think we still have a lot of stock in terms of vaccines that we have already procured.
Kung magdadagdag man tayo it should be the national government that should manage (it), and not private entities or local governments. Hindi na po ibibigay sa kamay ng local governments at private sector para hindi po tayo nagsasayang ng vaccines at pera,” aniya.
Kanyang pinasalamatan ang pribadong sektor at mga lokal na pamahalaan, sa kanilang mga inisyatiba sa pagbili ng mga bakuna sa mga unang buwan ng pandemya, subalit sa kasamaang palad, binanggit niya na ang mga suplay sa mula COVAX Facility ay mas naunang dumating. “Nadelay po ang shipment sa private sector,” ani Defensor.
Ang mga detalye ng mga nasayang na bakuna ay mas bibigyan ng tuon kapag nagsimula na ang pagdinig ng Kapulungan sa Resolution 270, na humihimok sa DOH na pag-aralan ang posibilidad ng papapatupad sa pagbabkuna ng COVID-19 sa mga batang nag-eedad ng tatlong taong gulang at mas mababa sa limang taong gulang, aniya.
Sinabi rin ni Defensor na maaari niya ring palitan ang saklaw na edad sa ilalim ng kanyang resolusyon, dahil inaprubahan ng United States FDA at CEC ang pagbabakuna ng mga kabataan mula anim na buwan pataas.
“If we are using Pfizer and Moderna, I ask the DOH why cannot we adopt the same guidelines and policy to also vaccinate our children below five years of age?”
Samantala, sa darating na pagdinig ng HR 270, sinabi ni Defensor na nakatitiyak siya na kapag napakinggan ang panig ng DOH, malalaman ng mga mambabatas na mayroong mga pagkukulang ang kanilang panig.
“We will find out if it was out of their control that the LGUs and the private sector procured and ordered too many vaccines for the national government to implement. It’s very hard to point fingers right now if we don’t have the facts from the private sector, LGUs, as well as the DOH.
Malalaman natin yun hopefully in the coming weeks,” dagdag ni Defensor.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home