HINDI PA NABAKUNAHANG KABATAANG WALA PANG ISANG TAONG GULANG DAHIL SA COVID-19, UMABOT SA MAHIGIT ISANG MILYON
Nasa mahigit isang milyong kabataan na wala pang isang tanong gulang sa bansa ang unvaccinated o hindi pa nababakunahan dahil sa pagtama ng COVID-19 pandemic.
Sagot ito ni Health OIC Sec. Maria Rosario Vergeire nang matannong ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma ang estado ng immunization program ng bansa para sa mga bata.
Ayon pa kay Vergeire nang mapag-usapan nila ito ng UNICEF, lumalabas na ang kasama ang Pilipinas sa lowest 10 na may pinakamababang immunization para sa mga bata sa buong mundo.
Bunsod nito, tinukoy na aniya ng ahensya ang iba’t ibang istratehiya tuladn g ng supplemental immunization activities ang nakikipag-ugnayan din sa iba’t ibang medical at pediatric societies para maakahabol sa bakunahan lalo na’t may banta ng measles outbreak.
Aminado naman ito na hamon ang pag-papaigitng sa bakunahan dahil nahahati aniya ang atensyon ng mga health care workers sa pagtugon sa COVID-19 at pagpapatupad ng mga regular na programa ng ahensya.
Pagtitiyak nama nnito na nakahingi na sila ng dagdag na mga bakunador lalo na sa para sa mga lugar na may mababang vaccination rate tulad ng BARMM.
##
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home