Huwebes, Setyembre 15, 2022

KAPULUNGAN, NAGPUGAY KINA TENNIS CHAMP EALA AT BRO. LUISTRO

Pinagtibay ngayong Miyerkules sa Kapulungan ng mga Kinatawan ang House Resolution 362, na bumabati at nagbibigay pugay kay Alexandra “Alex” Maniego Eala, dahil sa pagiging unang Pilipino na magwagi sa junior grand slam girls singles title sa 2022 US Open Tennis. Ang HR 362 ay pangunahing iniakda ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez. 


Nagmula ito sa pinagsama-samang mga panukala na inihain ng iba pang mambabatas, tulad nina Majority Leader Manuel Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan at Tingog Party-list Reps.Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre, at iba pa. 


Gayundin, pinatibay ng Kapulungan ang HR 348, na bumabati kay Brother Armin Luistro sa pagkakahirang niya bilang ika-28 superior general at kauna-unahang Pilipino para pamunuan ang worldwide congregation of Catholic Brothers - the Brothers of the Christian School, na dedikado sa gawain at misyon ng edukasyon.

ThinkExist.com Quotes