LIBRENG SAKAY NG GOBYERNO, HINDI DAPAT ITIGIL
Hindi dapat itigil ng gobyerno ang libreng sakay para sa ating mga kababayan lalo at mataas pa rin ang presyo ng langis at maging ang mga pangunahing bilihin.
Ito'y matapos ibunyag ng Department of Transportation (DOTr) sa budget briefing and deliberation ngayong araw dito sa Kamara na walang pondo sa 2023 budget ang libreng sakay at maging ang PUV modernization program.
Sa panayam kay Minority Bloc member at Agri Partylist Rep. Wilbert Lee, sinabi nito na dapat parin mabigyan ng ayuda ang ating mga kababayan lalo na dito sa kalakhang Maynila.
Ayon sa mambabatas batid niya ang hirap ng ating mga kababayan lalo na ang mga pumipila sa mga sakayan at araw araw pumapasok sa trabaho.
Sa budget deliberation ng DOTr sinabi Undersecretary Mark Steven Pastor may mga inilaan silang pondo para dito pero hindi na ito isinama ng DBM para sa 2023 budget.
Sinabi ni Pastor nasa P778 million ang pondo na kanilang iminungkahi para sa PUV modernization.
Dagdag pa ni USec Pastor na humiling sila sa Department of Budget and Management ng P2.1 billion para sa active transport project.
Naniniwala naman si Rep. Lee na malakingtulong sa ating mga kababayan ang libreng sakay.
Samantala, pinatutugunan na ng Kamara sa Land Transportation Office (LTO) ang problema sa backlog ng mga plaka ng sasakyan at motorsiklo.
Dahilan ng LTO kung bakit hindi nila ito natutugunan ay dahil sa kakulangan ng pondo.
Sinabi ni Rep. Lee, sa sandaling mabigyan ng pondo ang LTO para matugunan ang backlog sa mga plaka dapat wala ng magiging problema.
Dahil kung hindi ay taon taon kukulitin nila ang LTO ukol dito.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home