Miyerkules, Setyembre 14, 2022

UPANG MAKAHIKAYAT NG MAS MARAMI PANG MAGPA-BAKUNA, MAGBIGAY NG INSENTIBO ANG PAMAHALAAN

Pagbibigay ng insentibo, pinaka-epektibo pa rin na paraan para mahikayat ang mas marami na magpabakuna


Naniniwala si Deputy Majority Leader Lorenz Defensor na ang “incentivization” o pagbibigay ng insentibo ang pinaka-epektibo pa rin na paraan para mahikayat ang mas marami pa na magpabakuna.


Sa Ugnayan sa Batasan Majority News Forum, sinabi ni Defensor, ito rin ang dahilan kaya karamihan sa mga local government units ay nagkakaloob ng insentibo gaya ng bigas, cash incentives at sa mga porma ng diskuwento.


Ayon kay Defensor, bukod sa makakahikayat ito sa mas marami na magpabakuna, maituturing din itong ayuda sa ilan lalo na sa mga mahihirap na mamamayan.


Sabi pa ni Defensor, ang vaccination ng maraming Pinoy ay magreresulta sa maayos na paggamit ng national budget at mababawasan ang posibilidad na maaksaya o mag-expire ang mga bakuna.


Una rito, sa budget briefing ng DOH para sa kanilang budget sa susunod na taon…inamin ng ahensiya na 10-million covid-19 vaccines ang nag-expired at isa sa mga dahilan ay mababang vaccination rate.


Ito ay sa harap din ng plano ng DOH na bumili ng second generation vaccine ng covid-19 pero hinahanapan pa ng pondo para sa susunod na taon.

ThinkExist.com Quotes