LIBRENG SAKAY PROGRAM NG DOTR, IPINANAWAGAN NA ITULOY SA PAMAMAGITAN NG PAGLALAAN NG PONDO PARA DITO
Manawagan si AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee sa kanyang mga kasamahan sa Kongreso na pagbigyan ang kahilingan ng Department of Transportation (DOTr) para sa P12 billion budget upang maituloy ang Libreng Sakay program, at P6.6 billion upang matgunan ang backlog sa pagri-releasi ng plate numbers.
Sa budget briefing ng DOTr, sa kabila ng dagdag na 121.5% sa kanilang proposed budget, sinabi ni Lee na mayroong ilang programa ang ahensiya na kasama sa 2022 General Appropriations Act (GAA) subalit wala sa proposed 2023 budget.
Ayon naman kay Transportation Secretary Jaime Bautista nag-request ng P12 billion para sa programa gaya ng Libreng Sakay, bilang bahagi ng service-contracting program ng DOTr, subalit hindi isinama ng Department of Budget and Management (DBM) ang pondo para dito.
Sa naturang budget briefing, isinulong din ni Lee na maibigay nang buo ang P6.6 billion na budget para matapos na ang problema ng Land Transportation Office sa backlogs ng plate numbers.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home