PAGPAPATAYO NG PERMANENT EVACUATION CENTERS SA MGA LUNGSOD AT BAYAN, MULING INIHAIN NA NAMAN SA KAMARA
Muling inihain sa Kamara ang panukalang batas para sa pagpapatayo ng permanent evacuation centers sa kada lungsod at munisipalidad.
Bunsod na rin ng pananalasa ng Super Typhoon Karding ay muling binuhay ng Makabayan bloc ang Permanent Evacuation Centers in Every City and Municipality Bill bilang House Bill 5152.
Una nang lumusot ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa noong 18th Congress sa Kamara, ngunit hind isa Senado.
Sa ilalim ng naturang panukala, isinusulong ang pagtatayo ng disaster resilient evacuation centers sa pagitan ng dalawa o tatlong baranggay.
Sa pamamagitan nito, mas malapit at mas maraming pamilya ang maaaring sumilong sa naturang evacuation center na maaari na ring magsilbi bilang disaster response command center.
Layon din nitong matigil na ang paggamit sa mga paaralan at covered courts bilang evacuation centers.
Titiyakin naman na kada permanent evacuation center at may sapay na stockpile ng pagkain, tubig, gamot maging communication equipment.
Umaasa naman si Deputy Minority Leader France Castro na ma-certify as urgent ang panukala at kagyat na aksyunan ng dalawalang kapulungan ng kongreso at maisapa din ang pagpoppndo sa 2023 general appropriations bill.
"We refiled the 3rd reading version to further expedite the passing of the measure. We also hope that HB 5152 would be classified as urgent by Malacanang and the House leadership because time is of the essence so that we can save more lives. Sa paghambalos po ni Karding sa ating bansa ay sa mga covered courts, maliliit na barangay hall at eskwelahan na naman ang ginawang evacuation center para sa ating mga kababayan kaya hirap pa din ang mga nasalanta maging sa lugar kung saan sila lumikas," saad ni Castro.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home