Huwebes, Oktubre 13, 2022

AGARANG PAGPASA NG INENDORSONG MGA PANUKALA NG LEDAC, TINIYAK NI SPEAKER ROMUALDEZ KAY PBBM

Tiniyak ng liderato ng Kamara de Representantes ang agad na aksiyon at pagtibay ng tatlumpung panukalang batas na inindorso sa ipinatawag ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. na kauna-unahang meeting ng Legislative-Executive Development Advisory Council ng kanyang administrasyon.


Sinabi ni House Speaker Martin Romualdez na mahalaga ang naturang bills na makatutulong sa job creation, health and economic recovery para sa patuloy nating laban sa epekto ng pandemya.


Ayon kay Romualdez, makikipagtulungan ang Kamara sa Senado para maging prayoridad ang mga inindorsong panukala sa LEDAC Meeting.


Paliwanag pa ni Romualdez, ang 20 priority measures na binanggit ni Pangulong Marcos sa kanyang SONA ay kasama sa 32 Common Legislative Agenda.


Una nang naisabatas ang SIM Card Registration Act at pasado na rin sa 3rd and final reading ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at hinihintay na lang na mapirmahan ng Pangulo.


Kabilang sa 30-bills na inindorso sa LEDAC Meeting ay ang pagtatayo ng Regional Specialty Hospitals, Valuation Reform Bill, pagtatayo ng Virology Institute, Mandatory Reserve Officers’ Training Corps at iba pa.

ThinkExist.com Quotes