PAGPANAGOT SA MGA PUMASLANG KAY DIPACULAO VICE-MAYOR AMANSEC, IPINANAWAGAN
Nanawagan si Aurora lone district Rep. Rommel Angara sa mga otoridad na tiyaking mapapanagot ang nasalikod ng pagpaslang Dipaculao, Aurora Vice Mayor Narciso Amansec.
Pinaslang umano si Amansec kasama ang dalawa pang iba habang nasa sasakyan ng hindi pa kilalang salarin.
Ayon kay angara, walang lugar sa kanilang probinsya ang karahasan at hindi nila kukunsintihin ang kawalang katarungang insidente kagaya nito.
Ipinaabot din ng mambabatas sa naiwang pamilya ng dating bise alkalde ang kanyang pakikiramay.
“Mariin kong kinokondena ang walang awang pagpaslang sa isang kaalyado at kaibigan. Hindi maaaring kunsintihin ang anumang karahasan at kawalang katarungang kagaya nito, lalo na dito sa Probinsya ng Aurora. Sana po ay ito ay agarang ma solusyonan upang mabigyan ng hustisya ang mga biktima at tinatawagan ko ang ating mga law enforcement agencies na magsagawa ng mabilis at masusing imbestigasyon upang mapanagot ang lahat ng may sala.”apela ni Angara.
Tumakbo bilang gobernador ng Aurora si Amansec nitong 2022 Elections, ngunit natalo.
Isiniwalat ng nasawing dating bise-alkalde ang umano’y iligal na pagiimprenta ng election materials ng noo’y incumbent Aurora governot Jerry Noveras.
Kasalukuyang dinidinig ang kaso sa local prosecutor’s office at Commission on Election sa Aurora.
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home