SPEAKER ROMUALDEZ: KAPULUNGAN PATULOY NA MAGTATRABAHO KAHIT RECESS
Pinahintulutan ni House Speaker Martin G. Romualdez ang lahat ng mga pangunahin at espesyal na Komite, na magsagawa ng mga pagdinig sa panahon ng congressional break.
Sa kanyang pormal na mosyon sa plenaryo, isinulong ni House Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Janette Garin na pahintulutan ang lahat ng lupon, na magpatuloy sa kanilang mga mandato sa paggawa ng mga mahahalagang batas sa panahon ng unang recess of ng ika-19 na Kongreso.
“I move that we authorize all committees to conduct meetings and/or public hearings, if deemed necessary, during the House recess from September 29, 2022 to November 6, 2022,” ani Garin.
“Is there any objection? The chair hears none, motion is approved,” tugon ni House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales sa kanyang paggagawad ng pahintulot sa mosyon ni Garin.
Sa isang panayam, sinabi ni Garin na inutusan nina Speaker Romualdez at House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang mga pinuno sa Kapulungan, na magdaos ng mga pagdinig sa Komite sa panahon ng pahinga at tiyakin ang pagsasabatas ng mga mahahalaga at makabuluhang lehislasyon, lalo na ang mga nakatuon sa pag-ahon ng ekonomiya
“The continuous hearings and deliberations of various measures even when Congress is on recess will help accelerate the passage of priority legislations,” aniya.
Tiniyak ni Garin na ang liderato ng Kapulungan ay patuloy na magtatrabaho at tututok sa pagsasabatas ng mga prayoridad na lehislasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., para tugunan at isulong ang mga pangangailangan ng mga mamamayan sa panahong ito ng pagsubok.
“The Speaker wants to ensure a very productive House of Representatives during our break to address the country’s pressing concerns. This will help us craft and put into fruition the approval of priority bills of President Marcos to help us defeat various problems, including COVID-19,” ani Garin.
Ipinagmalaki ni Speaker Romualdez noong Miyerkules ng gabi ang nakatalang nagawa ng Kapulungan ng mga Kinatawan, sa unang 23 araw ng sesyon ng ika-19 na Kongreso, na nagsimula noong ika-25 ng Hulyoo.
Sinabi ni Romualdez sa kanyang mga kapwa mambabatas na simula nang mag-umpisa ang kanilang mga sesyon ay, “we rolled up our sleeves and worked hand in hand to ensure collective and responsive action upon all pending bills and resolutions, including priority bills in the legislative agenda of our President, Ferdinand Marcos Jr.”
“Our mission from Day One is clear: Help resuscitate the pandemic-battered economy and make economic transformation the main engine to uplift the lives of the Filipino people,” aniya sa kanyang mensahe bago nag-adjourne ang Kapulungan, Miyerkules ng gabi para sa kanilang unang recess.
Bago nag adjourne, inaprubahan ng Kapulungan sa ikalawa, ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P5.268-trilyong “Agenda for Prosperity” 2023 pambansang badyet, ang pinakamahalagang panukala sa lehislasyon na tinatalakay ng Kongreso kada taon.
Niratipikahan din ng Kapulungan ang dalawang ulat ng bicameral conference committee (bicam) – ang panukalang Subscriber Identity Module (SIM) Card Registration Act, at ang pagpapaliban ng Disyembre 2022 halalang barangay at Sangguniang Kabataan (BSKE), sa huling Lunes ng Oktubre 2023 – at ito ay ipadadala na sa Malacañang para sa lagda ni Pangulong Marcos.
Bukod sa panukalang badyet at dalawang ulat ng bicam, ipinakikita rin sa mga datos ng mga Komite sa Kapulungan na naipasa nila ang 37 pambansang panukala sa ikatlong pagbasa, na 106-porsyentong pagtaas sa mahigit na 18 panukala na inaprubahan sa huling pagbasa sa ika-18 Kongreso, at 517 porsyentong mas mataas kumnpara sa anim na panukalang inaprubahan sa ikatlong pagbasa noong ika-17 Kongreso, sa parehong panahon.
Prinoseso ng Kapulungan ang kabuuang 427 panukala, na 96 porsyentong mas mataas sa 218 na tinalakay noong ika-18 Kongreso, at 104 porsyentong mas mataas sa 209 na panukalang batas na tinalakay noong ika-17 Kongreso.
Ang bilang ng mga panukala na tinatalakay ng malaking bulwagan kada araw ng sesyon ay nag-aaberahe ng 19, kumpara sa 11 noong sinundang Kongreso, o pagtaas ng 70 porsyentong mas maganda sa 5 na naitala noong ika-17 Kongreso.
Binalikan ni Romualdez na matapos na magsimula ang ika-19 na Kongreso noong Hulyo, ay pinagtibay ng Kapulungan ang Concurrent Resolution No. 2, na sumusuporta sa 2022-2028 Medium Term Fiscal Framework ng pambansang pamahalaan.
“Yet, in that period, a greater number of measures - totaling five thousand six hundred and ninety-six (5,696) - were filed by our Members, showing clear passion and dedication to their constituents and their advocacies,” ani Romualdez.
Kanyang sinabi na pinagtibay ng Kapulungan ang 20 resolusyon, inaprubahan ang 37 panukala sa ikatlong pagbasa, inaprubahan ang 11 panukala sa ikalawang pagbasa, at iniulat ang 63 committee reports. #
0 Comments:
Mag-post ng isang Komento
<< Home