Huwebes, Oktubre 20, 2022

TULONG NG ESTADOS UNIDOS PARA SA PAGTUGON SA PANDEMYA, PINASALAMATAN NI SPEAKER ROMUALDEZ

Ipinaabot ni Speaker Martin G. Romualdez ang lubos na pasasalamat ng pamahalaan ng Pilipinas sa Estados Unidos sa kanilang tulong na malabanan ng bansa ang pandemyang dulot ng coronavirus disease-19 (COVID-19).


Ipinahayag ng lider ng Kamara ang taos-pusong pasasalamat ng bansa sa kanyang pakikipagpulong kay State Department Assistant Secretary for East Asian and Pacific Affairs Daniel Kritenbrink sa Washington DC kahapon. (noong Martes ng hapon - oras sa US).


Tiniyak ni Romualdez kay Assistant Secretary Kritenbrink na ang Kamara de Representantes ay manatiling committed sa pagsuporta sa mga panukala na makatutulong sa pagpapalalim ng kooperasyon sa Amerika, partikular na sa larangan ng supply chain, kalusugan at seguridad at inter-connectivity.


Ayon kay Romualdez, nakipagkita siya sa opisyal ng US upang palawakin at palakasin ang pakikipag-ugnayan sa sa pagitan ng dalawang bansa, at isulong ang umiiral at darating na mga inisyatiba ng dalawang bansa, partikular na ang kooperasyong pang-ekonomiya. 

ThinkExist.com Quotes