Bukas si House Ways and Means Committee Chair Joey Salceda sa panawagan ng Department of Health na taasan ang ipinapataw na excise tax sa “sin” products gaya ng sigarilyo, alak, matatamis na inumin at vape.
Kamakailan nang palutangin ng DOH ang dagdag sintax matapos ihayag ni DOH OIC Sec. Maria Rosario Vergeire na malaki pa rin ang problema sa bansa ngayon ang obesity o ang labis na katabaan.
Ayon kay Salceda, ang pagpapataw ng mas mataas na buwis sa sin products tulad ng sweetened beverages ay maaari pang makatulong sa pag-regulate ng sugar demand.
Aaralin din aniya ng komite ang impact ng posibleng dagdag sintax sa obesity, ngunit tiyak na itutulak nila ang pagbabawal sa pagbebenta ng naturang inumin sa mga eskuwelahan.
“Definitely, my office will pursue more regulation, taxation aside. Definitely, we are going for a ban on sugary drinks in public and private grade schools. The committee will study the impact, especially since revenue collection has already flatlined to the 32-35 billion per year mark. We want to see whether it will really have an impact on obesity.” Saad ng Albay 2nd district solon.
Ikokonsidera din ani Salceda ng ways and means committee ang mas mataas na buwis para sa alak, sigrilyo at vape. Katunayan, isang panukalang batas na ang inihahanda ng kongresista para sa mas mataas na tax sa vape products.
Kasunod na rin ito ng pagkilala ng mga korte sa ibang bansa na nakasasama sa kalusugan ang vaping.
Magkagayonman malamig ang mambabatas sa pagpapataw ng tax sa junk food.
Mas madali kasi aniya na i-regulate na lamang ang pagtitinda nito, tulad sa mga paaralan, kaysa buwisan.
“We are disinclined towards a junk food tax. It seems that global best practices that really work are closer to regulation than taxation, especially on salt levels. The Singapore model is industry and government working together to lower salt levels in food. The better approach there might be to restrict sales in schools where children have greater access to them. Besides, defining what junk food is will definitely be a challenge.” Ani Salceda.
##
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento