Hinimok ni Deputy Speaker Ralph Recto ang pamahalaan na magpatayo na muli ng mga dagdag na silid-aklatan o libraries.
Ito aniya ay upang mapagbuti muli ang reading comprehension ng Pilipinas na pang huli sa pitompu’t siyam na bansang isinailalim sa 2018 Programme for International Student Assessment ng Organization for Economic Cooperation and Development.
Punto ng Batangas solon, matagalan nang “nakabakasyon” pagtatayo ng mga library mula sa national budget.
Katunayan noong 2006, P120 million ang inilaan sa pambansang pondo para sa pagpapatayo ng animnapung silid-aklatan at labindalawang learning resource centers.
Nagpatuloy aniya ito hanggang 2014 ngunit nawala na sa mga sumunod na taon.
Bunsod nito, pinapopondohan ni Recto sa 2023 ang mga library upang mahikayat ang mga kabataan na magbasa.
Maliban kasi aniya sa pagiging informed o maalam, naihahanda rin ng pagbabasa ang kanilang mga isipan para mas malalim na pagunawa sa siyensya, matematika, economics at iba pa.
Mahalaga din aniya na mayroong libreng wi-fi sa mga itatayong silid-aklatan upang maka-access ang mga kabataas sa online reading materials.
“Let's make sure that our young people will fall in love with books. And building book depots and reading centers could be the start of their beautiful relationship with reading. If we want our kids to read, read, read, we should build, build, build libraries,” saad ni Recto.
##
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento