Mangangailangan ang Dept of Health ng P76.5 billion na pondo para sa pagbibigay ng health emergency benefits at allowances ng health care at non health care workers.
Ito ang ipinunto ni Health OIC Sec. Maria Rosario Vergeire kasabay ng paglalahad ng P301B proposed 2023 budget ng ahensya at attached agencies nito.
Tinukoy ni Vergeire na sa naaprubahang budget ng DOH sa National Expenditure Program, mayroong tig-1 billion pesos para sa compensation na nakapaloob sa programmed at unprogrammed funds.
Kabuuang P37 billion naman ang para sa health emergency allowance kung saang 19 billion ang programmed at 18 billion naman ang nakapaloob sa unprogrammed.
Ang halagang ito, mabebenipisyuhan ang nasa 805 863 eligible health care workers.
Ngunit ani Vergeire, kulang ang pondo dahil para lamang ito sa anim na buwan.
Bukod pa aniya ito sa arears o utang ng ahensya sa HEA at kompensasyon noong 2021 hanggang 2022 na nagkakahalaga ng P64.4 billion.
Kaya ipinakokonsidera ng kalihim na madagdagan ang pondo ng ahensya upang maipatupad ito.
##
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento