Lunes, Setyembre 12, 2022

DOH PROPOSAL NA TAASAN PA ANG BUWIS NG MGA SIN PRODUCT, IKUKUNSIDERA NG KAMARA

Pag-aaralan ng house committee on ways and means na itaas pa ang ipinapataw na excise tax sa mga “sin products” gaya ng sweetened beverages, alak, sigarilyo, maging “vape”.


Ayon kay congressman joey salceda, chairman ng kumite, ikukunsidera nila ang proposal mula sa department of health.


Sabi ni salceda, bukas sila sa posibilidad na itaas ang buwis na ipinapataw sa “sweetened beverages” para mabawasan din ang demand sa importasyon ng asukal at dahilan nito ng obesity.


Malamig naman si salceda sa panukalang isulong din ang “junk food tax” dahil best practice na anya sa buong mundo na ipatupad ang mahigpit na regulasyon sa halip na mataas na buwis sa pagkain na maaalat.


Sa sigarilyo at alcohol… sinabi ni salceda na pag-aaralan ng kanyang kumite na patawan ng buwis ang “vape” dahil sa mga pag-aaral na nakasasama ito sa kalusugan.


Tiniyak ni salceda na ang planong dagdag na buwis sa sin products ay idadaan sa kunsultasyon na pagkukunan naman ng pondo para sa universal health care program ng gobyerno.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento