Sabado, Setyembre 10, 2022

PAGDINIG SA P30.7-B PANUKALANG BADYET NG CHED, NATAPOS NA

Tinapos ngayong Biyernes ng Komite ng Appropriations ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang pagdinig sa 2023 panukalang badyet ng Commission on Higher Education (CHED) sa hybrid na pulong. Pinangunahan ng vice chair ng Komite at Iloilo Rep. Janette Garin ang pagdinig para sa mungkahing P30.734-bilyong badyet ng CHED. 


“This reflects a 6.09 percent decrease from the previous year’s appropriation of P32.751 billion,” ani Garin. 


Sa iminungkahing halaga, sinabi niya na 97.3 porsyento o P29.9-bilyon ang kukunin sa new appropriations, habang ang natitirang 7.2 porsyento o P841.7-milyon ay mula sa automatic appropriations. 


Sa batayan ng gastos, karamihan sa iminungkahing pagpopondo ng Komisyon ay ilalaan sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), sa P30.2-bilyon at ang iba ay mapupunta sa Personnel Services. 


“In times such as the one we are currently in the education sector stands to be one the most important in our society. Tasked with nurturing and forming the minds of our youth, this sector has a big role to play in charting out the future of our country,” sinabi ni Garin sa kanyang pambungad na mensahe. 


Ayon sa kaniya, sa kabila ng mga mahahalagang pagsulong na naabot ng CHED sa nakalipas na ilang taon, naobserbahan ang pagbaba sa maraming pondo. Sa maraming hamon, sinabi ni Garin na kailangan ng ahensya ang suporta ng Kongreso upang makagawa ng isang badyet na tumutugon sa kasalukuyang panahon, isang bagay na makakasuporta sa mga pangangailangan ng mga paaralan at mga mag-aaral. 


Sinabi ni CHED Chairman Dr. Prospero De Vera III na ang bawas na badyet ay makakaapekto, bukod sa iba pa, sa pondo para sa student financial assistance program (STUFAP) na P305-milyon at ang pondo para sa Universal Access to Quality Tertiary Education (UAQTE) na P295.9-milyon. “We have no funding for laws by Congress. 


So, we have unfunded mandates for the Philippine Qualifications Framework (PQF), and the Land Use Development and Infrastructure Plan (LUDIP) law,” ani De Vera. 


Wala ring pondo para higit pang matulungan ang mga medical schools na nilikha sa pamamagitan ng Doctor Para sa Bayan Law, at para sa mga bagong lokal na unibersidad at kolehiyo (LUCs), at iba pa, dagdag ni De Vera.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento