Isinusulong ni Vice President at DEPED Sec. Sara Duterte na magpatupad ng inobasyon sa pagtuturo ng mga kabataan.
Sa pagharap ng bise presidente sa budget briefing ng ahensya sa Kamara, sinabi ni Duterte na hindi dapat limitahan sa loob ng silid-aralan ang pagkatuto ng mga esstudyante.
Aniya, parating nakatuon ang pamahalaan sa class room shortage gayong hindi rin naman nabibigayan ng sapat na pondo para tugunan ito.
Kaya't dapat magisip ng ibang pamamaraan upang matuto pa rin ang mga bata sa labas ng classroom.
Kasabay nito hiniling ni VP Sara sa mga kongresista na tulungan sila na ma-lift ang probisyon ng kautusan na inialbas ng DBM kung saan nililimitahan sa mga 5th at 6th class municipalities lang makapagpatayo ng bagong mga silid aralan.
Aniya, bilang dating alkalde, kahit aniya ang Davao city na isang maunlad nang siyudad ay hind iap rin matutugunan ang classroom shortage dahi lsa patakarang ito.
Batay sa DEPED, 167,901 na bagong classroom ang kailangan ipatayo sa bansa habang 149,806 ang kailangan ipaayos.
P5.92B na pondo naman ang inaprubahang budget para sa pagpapatayo ng bagong classroom at P1.53B naman para sa repair.
##
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento