Miyerkules, Setyembre 14, 2022

TINIYAK NI VP AT DEPED SECRETARY SARA DUTERTE ANG LIGTAS NA PAGBABALIK-KLASE NG MGA MAG-AARAL

Kasabay ito ng pagsalang sa House Committee on Appropriations ng P710 billion proposed budget ng ahensya.


Ayon kay VP Sara, patuloy ang kanilang koordinasyon sa DOH upang mapabilis ang pagbabakuna sa mga school personnel at estudyante ngunit walang diskriminasyon anoman ang vaccination status.



Muli rin nitong binigyang diin na balik face to face classes na ang direksyon ng kagawaran maliban na lamang sa blended learning modality para sa unique situations.


Isa naman aniya sa tututukan ng DEPED ay ang learning recoverty efforts.


Tinukoy ni VP Sara na batay TIMSS 2019, SEA-PLM 2019 at PISA 2019, nahuhuli ang mga Pilipinong magaaral mula sa Grades 4, 5 at 9 sa pag-intindi sa mga simple math problems, science concepts at kahit pagbabasa.


Aniya, kailangan harapin ang problema ng hind nagiging balata sibuyas upang kagyat na matugunan ang "poor performance" na ito


Ang basic Education Development Plan 2030 nama nang magiging gabay ng DEPED sa pagpapatupad ng kanilang polisiya sa pagpapabuti ng edukasyon ng bansa.



##

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento