Mabilis na tinapos ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Elizaldy Co (Party-list AKO BICOL), ang P2.31-bilyong panukalang badyet ng Office of the Vice President (OVP), na inabot lamang ng 10 minutong pagdinig ngayong Miyerkules.
Matapos ang pambungad na mensahe ni Co, nagmosyon si Minority Leader Marcelino Libanan na kagyat na tapusin ang OVP budget briefing, bilang kortesiya ng buong Kapulungan ng mga Kinatawan sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, at mga miyembro ng Komite sa OVP.
Ayon kay Libanan, bagamat ilang miyembro mula sa Makabayan Bloc ang nais na magtanong hinggil sa mga bagong bagay sa badyet ng OVP, ninais nila na gawin na lamang ito sa plenaryo.
Sinegundahan ni Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe ang mosyon ni Libanan.
Nagpasalamat si Vice President Sara Duterte sa mga Miyembro ng Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Speaker Romualdez, “for sharing this day with the Office of the Vice President.”
Nagpasalamat din siya sa mga mambabatas sa patuloy nilang suporta sa badyet ng OVP, at lahat ng mga programa, aktibidad at mga proyekto ng ahensya. Sinabi niya na bukas ang OVP sa pakikipagtulungan sa pagtulong sa sambayanang Pilipino.
“If there is anything that we can do to help you and your office in your respective mandates, in your respective legislative districts and party-lists, please do let us know,” ani Vice President Duterte.
Samantala, sinabi ni Co na ganap ang kanilang suporta sa panukalang P2.31-bilyong badyet ng OVP para sa 2023, na ang pinakamalaking bahagi ay mapupunta sa maayos na pamamahala, mga proyekto at mga kinakailangang serbisyong panglipunan.
“I speak for my colleagues when I say that this committee has full confidence in the OVP’s performance of her duties. The OVP has been very active. Various satellite offices have been established all over the country, which enabled the government to expand the reach of its social services,” aniya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento