Pasado na sa ikalawang pagbasa ang House Bill no. 14 o panukalang SIM Card Registration.
Layon nito na mapigil ang iba’t ibang krimen at iligal na aktibidad gamit ang mobile phone sa pamamagitan ng pagpaparehistro sa prepaid at postpaid SIM.
Sa ilalim ng panukala, ang bawat public telecommunications entity (PTE) o authorized seller ay oobligahin ang 'end user' o iyong SIM card user, Pilipino man o foreigner, na sagutan ang form na inisyu ng PTE kalakip ang pagpapakita ng valid identification card.
Ano mang impormasyon sa registration document ay ituturing na confidential maliban na lamang kung pahintulutan ng subscriber sa pamamagitan ng isang kasulatan.
Kailangan din ilabas ang impormasyon kung ipagutos ng korte o law enforcement na gagamitin para sa imbestigasyon.
Ang mga SIM cards na naibenta o inisyu na bago pa maging epektibo ang batas ay oobligahin pa rin na i-rehistro.
Isang registry o listahan ng lahat ng subscriber kalakip ang kanilang assigned sim card number ang bubuoin ng PTEs maliban pa sa pagsusumit ng kanilang authorized seller o agent sa National Telecommunications Commission.
Oras na maisabatas, papatawan ng P300,000 hanggang P1 million na multa kapag PTE ang lumabag habang suspensyon sa operasyon at multang hanggang P50,000 kung ang violator ay isang authorized seller.
Kung isang opisyal o empleyado ng implementing agency ang lalabag ay mahaharap ito sa dismissal sa serbisyo at multa bukod pa sa posibleng kasong criminal, sibil at administratibo.
Sa kasalukuyan, tanging ang SIM cards ng mga postpaid mobile o cellular phone subscriptions ang inoobliga na magparehistro.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento