Martes, Setyembre 13, 2022

RESOLUSYON NA NAGBIBIGAY PARANGAL KAY QUEEN ELIZABETH II, PINAGTIBAY NG KAPULUNGAN

Pinagtibay ngayong Lunes ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang House Resolution 346, mula sa pinagsama-samang HRs 347, 349, at 350, na nagpapaabot ng pakikidalamhati kay His Majesty, King Charles III, the Royal Family, at sa mga mamamayan ng United Kingdom of Great Britain at Northern Ireland, mula sa mga mambabatas, sa pagpanaw ni Her Majesty, Queen Elizabeth II. 


Ang HB 346 ay pangunahing iniakda nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, kasama sina TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. 


Si Queen Elizabeth II ang pinakamatagal na nagsilbing monarch at pinuno ng estado, na pumanaw sa edad na 96 na taong gulang noong ika-8 ng Setyembre 2022. 


Isinasaad sa resolusyon na: “Her Majesty, Queen Elizabeth II was an instantly recognizable figure to billions of people across the world who served as an inspiration to many generations of public servants in all parts of the globe.” 


Inilarawan din siya ng mga may-akda bilang isa na, "who exhibited grace and decency, performing her duty even in times of crisis."

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento