Naniniwala si House Committee on Appropriations Chairman Rep.Rizaldy Co na deserve ng Department of Health (DOH) na bigyan ng suporta para matustusan ang kanilang mga programa dahil malaki ang kanilang role sa pagtugon sa kalusugan ng bawat Pilipino.
Sinabi ni Co, mahalaga ang magiging papel ng DOH sa pagtugon sa pandemya at sa iba pang problema sa kalusugan na kinakaharap ng bansa.
Binigyang-diin ng mambabatas na sa deliberasyon ng budget ng DOH para sa 2023 sisikapin nito na tutugunan ang mga naging leksiyon ng bansa sa kinaharap na pandemya at magiging basehan ito at gagamitin para masilbihan pa ng mabuti ang ating ng mga kababayan.
Binigyang-diin ni Co na ang kalusugan ng ating ekonomiya ay naka depende din sa kalusugan ng mga mamamayan.
" And our country's recovery depends on the physical, financial, and mental recovery of all Filipinos. That is why DOH deserves all the support," pahayag ni Rep. Co.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento